Tungkol kay Ronnel
Isang Filipino artist na nagmula sa Manila Philippines, Si Ronnel ay nagtrabaho sa industriya ng animation sa loob ng 17 taon bilang animator, gumagawa din siya ng mga illustrations sa mga librong pambata, mga karikatyur, at cartoons. Taong 2012 ay nagpasya siyang iwan ang animation para magpursigi na sa pagpipinta. Gamit ang watercolor, ang pangkaraniwan at pang araw-araw na buhay ng mga kapwa pinoy at mga bata ang paborito niyang gawin. Noong nakaraang taon, nanalo siya bilang 3rd place sa 2017 GSIS annual painting competition,dahilan para magkaron siya ng puwang sa industriya ng sining sa Pilipinas.
Kasabay ng mga ito, nagta-trabaho siya sa Cat’s Family edition bilang illustrator, ang kanyang mga gawa, kabilang ang mga sumusunod, Numé Cat's 1 - The mathematical puzzles, Detective Mathéo, and Do not eat instructions Circus, na nakatanggap ng The EducaFlip prize noong 2016, dahil sa ganda ng illustrasyon at disenyo.. Ang pinaka komplikado ay ang The Round of Emotions, may 10 na ibat-ibang mukha at may 6 na emosyon ang bawat isa. para sa larong ito.